Dahil may alam sa Pulitika at pagtulong sa masa si Binay, mga corrupt ay mabibitay.
Kay Binay, di ka mawawalan ng bahay.
Kay Binay, walang pera-pera, walang lagay-lagay.
Kay Binay, di lang apelyido ang iaalay.
Kay Binay, walang sablay. Kahit isang butil ng palay, walang matatangay.
Kay Binay, Di na kailangang maglaba ni inay. Gaganda na rin ang hanapbuhay ni itay.
Dahil nanalo siya at di natin maitatanggi sa demokrasya na wala tayong kamalay-malay.
Nag OJT siya sa kanyang magulang, na sapat para manungkulan sa isang bansang maraming kakulangan.
Isa man siya sa magpapasa ng kalunasan, sana alam niya ang bawat pangungusap na kanyang bibitawan,
Hindi naman na sa siya ang inaasahan; pero sana, nasa tama siyang kaisipan.
Na ang tungkulin niya ay nasa taong bayan, wala sa stratehiya ng pulitika or pansariling kapakanan.
Pero siya si Binay,
sana mali lahat ng aking naiwalay at nasa taong bayan ang kanyang pakay