Dec 25, 2006

Mambobolang Mahikero

O! Ano na? Nood k lang at iyong makikita
Di pangkaraniwang Mahika, sa isang iglap lang ng mata
Mapapasaakin ka, Deal or No Deal --- Game ka na ba?
Eto na, Eto na! Ayan na, Ayan na!

Mahikerong Mambobola, May magic na, bobolahin ka pa
Ayos ba? Lang Hiya!

Manood ka't eto, Ang aking puso, na dati'y blanko
Nang Makita ka, Tumatak agad pangalan mo
Hanggang ngayon ay nandirito, Pirmihang nakatato
Eto pang isa, Makinig kang mabuti
Itong aking mata, puyat tuwing gabi
Sa kaiisip sa isang binibini, at di mapakali
Di pa mapatili kahit man lang sandali
Wala na rin akong ganang kumain, sapat na sa akin
Na iyong mapansin ang aking hinaing
Gusto mo pa ba ng Magic, Baka ika'y maadik
Sige na, Pagbibigyan na kita
Kung hindi ka lang kasi maganda

Mahikerong Mambobola, May Magic na, bobolahin ka pa
Ayos ba? Lang Hiya!

Dati rati, ako'y wala ako mood, Mukhang Pagod
Walang ganang sumugod (sa kusina)
Ngunit napangiti nang makita ka
Mukhang Diwata, Boses sirena
Ng Ambulansiya, Ha ha ha
Biro lang po, wag magkunot ng noo
Wag uminit ang ulo at baka ika'y malito
Sa mga susunod na sasabihin ko
Magic Mirror in the wall, who's the cutest of 'em all
(Who else, the one who asked and the one who's reading this)
Magic di ba, Ano, bilib ka na.
sa Mahikerong...
Mambobola.

No comments:

Random Post

Disclaimer

I do not own any video posted here and if any violation have been done, I would be very happy to remove it.
Videos are from different users of the community of www.youtube.com.
Some images are found and/or copied from around the web and I do not claim ownership unless source is not cited.